You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Acting Chief Justice Antonio Carpio, Sinampahan ng Disbarment Case!
News - Major News
Monday, 06 August 2012 08:12

 

Sinampahan ng  disbarment case sa Korte Suprema ni Lauro Vizconde si acting chief Justice Antonio Carpio na kabilang sa posibleng makasama sa shortlist ng pagpipiliang punong mahistrado.

Iginiit ni Vizconde na malinaw sa naging pahayag sa kanya noon ni dating Chef Justice Renato Corona na nanghihimasok si Carpio sa kaso ng Vizconde massace.

 

 

Bukod sa disbarment case, naghain din nitong mga nakaraang linggo si Vizconde ng formal opposition letter laban kay Carpio.

Inakusahan ni Vizconde si Carpio na isa sa nakialam sa kaso ng pagpaslang sa kanyang pamilya kaya napawalang-sala ang mga akusado na sina Hubert Jeffrey Webb, Antonio Lejano, Michael Gatchalian, Hospicio Fernandez, Miguel Rodriguez at Peter Estrada.

Layun ng disbarment na tutulan ang posibleng pagkakasama ni Carpio sa shortlist na isusumite ng judicial and bar council kay Pangulong Noynoy Aquino.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000