You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
Hamon ng CBCP sa Debate sa Condom, Tinanggap ng DOH!
News - Major News
Monday, 08 March 2010 04:54

Kumasa si Health Secretary Esperanza Cabral sa hamon na debate ng dalawang lider simbahan kaugnay sa kuwestyon kung gaano ka-epektibo ang condom laban sa pagkalat ng HIV/AIDS.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na nais nitong mailatag muna ang ground rules at ayaw nitong umikot ang debate sa religious beliefs.

Aniya, hindi dapat pagtalunan ang paniniwala sa pananampalataya dahil malinaw sa konstitusyon na hiwalay ang simbahan sa estado.

Aminado naman si Cabral na hindi kailangan ang debate dahil nakalathala naman  ang “facts” tungkol sa condom sa mga scientific journal.

Ihaharap nina Batangas Archbishop Ramon Arguelles at Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez Jr. sa debate sina Jo Aurea Imbong, abogado ng CBCP at pro-life activist na si Dr. Ligaya Acosta.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000