You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Botohan ng Judicial and Bar Council para sa Shortlist ng Chief Justice Nominees, Hindi Natuloy!
News - Police
Monday, 06 August 2012 07:56

Hindi muli natuloy ang voting ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council para sa pagbuo ng shortlist para sa chief justice post.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson, Atty. Gleo Guerra, nagpasya ang mga miyembro ng JBC na ituloy ito sa Miyerkules, alas-11 ng umaga.

Sinabi ni Guerra na ang desisyon ay alinsunod sa rekomendasyon ni Senador Chiz Escudero na isa sa kinatawan ng kongreso sa JBC.

Ayon kay Escudero, ito ay upang magkaroon pa ng karagdagan panahon ang Kongreso na pag-aralan ang iba pang kaganapan sa panel interview na hindi nasaksihan ng kanilang kinatawan.

Matatandaang sa apat na araw na panel interview ay hindi dumalo ang senador bilang pagtugon sa ruling ng Supreme Court na iisa lamang ang dapat na kinatawan ng kongreso sa JBC.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000