| Dating Pang. Gloria Arroyo, Balik Ospital Makaraang Mabilaukan |
| News - Major News |
| Friday, 03 August 2012 07:45 |
|
Kinumpirma ng pamunuan ng Veterans Memorial Medical Center, sa Quezon City na piraso ng melon at “bacon-like” na karne ang dahilan ng pinakahuling pagkaka-ospital ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Sinabi ni VMMC Director, Dr. Nona Legaspi na pinayuhan na nilang magpahinga si Ginang Arroyo na mukhang dehydrated at hinang-hina nang isugod sa pagamutan, kagabi.
Aniya, medyo may anatomic problem sa leeg ang dating pangulo at posibleng nagkasabay ang paglunok nito sa melon at karne. Idinagdag pa ni Legaspi na sa halip na nakaupo ay isasagawa ang theraphy ni Ginang Arroyo nang nakahiga. Babalikatin din aniya ng kinatawan ng pampanga ang gastos sa kasalukuyang pananatili nito sa ospital. Isinugod sa VMMC ang dating pangulo matapos makaranas ng pananakit ng leeg at likod.
|







