You are here :
Today is : Monday, 20 May 2013
--- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi ---
| Bagyong Gener, Nag-iwan ng 37 Patay |
| News - Major News |
| Friday, 03 August 2012 04:09 |
|
Umakyat na sa 37 ang iniwang patay ng bagyong Gener. Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 33 ang nasugatan, 125 ang nailigtas habang apat pa ang nawawala.
Umabot naman sa halos 112000 pamilya o halos 520000 individuals mula sa 741 barangay sa 32 lalawigan mula sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 11, 12, Cordillera Administrative Region at NCR ang naapektuhan ng kalamidad. Lumobo rin sa mahigit 240.149 million pesos ang pinsala ng bagyong Gener, kabilang ang 79.730 million sa imprastraktura at 160.419 million sa agrikultura. Mahigit limang milyong pisong halaga ng relief assistance ang naipamahagi na ng pamahalaan sa sampung rehiyon na hinagupit ng bagyong Gener. |







