| Aktor na si Richard Gutierrez, Pinakakasuhan ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide Kaugnay ng Vehicular Accident Noong 2009 |
| News - Major News |
| Thursday, 02 August 2012 04:10 |
|
Ipinag-utos ng Court of Appeals ang paghahain ng kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa aktor na si Richard Gutierrez. May kinalaman ito sa kinasangkutan niyang vehicular accident noong May 22, 2009 sa Silang, Cavite kung saan nasawi ang kanyang personal assistant. Sa walong-pahinang ruling na sinulat ni Associate Justice Stephen Cruz, isinantabi ng C.A. Eleventh Division ang resolution ng DOJ na may petsang March 1, 2010 at May 28, 2010 na nagbabasura sa mga reklamong inihain laban kay Gutierrez ni Lorayne Pardo, biyuda ng personal assistant ni Gutierrez na si Norman Pardo. Sa halip, kinatigan ng CA ang petisyong inihain ni Lorayne na humihiling na mapawalang bisa ang mga resolusyon na inisyu nina Justice Secretaries Agnes Devanadera at Albeto Agra. Kaugnay nito, binuhay ng CA ang September 28, 2008 resolution ng Cavite Provincial Prosecutor na nagrerekomenda na sampahan si Gutierrez ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide sa municipal trial court ng Silang, Cavite.
|







