You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
2, Kumpirmadong Nasawi sa Bagyong Gener
News - Major News
Monday, 30 July 2012 04:17

Dalawa na ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong Gener.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nalunod sa kasagsagan ng bagyo si roland necor, tatlumpu’t tatlong taong gulang at residente ng bayan ng Bugasong, sa Antique.

Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, mahigit 2700 pamilya  o  mahigit 13000 katao ang naapektuhan ng bagyo sa 15 barangay mula sa 5 probinsya sa Central Luzon, MIMAROPA at Western Visayas.

Nasa 310 pamilya ang nasa evacuation centers habang halos 2300 pamilya ang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Kinilala ang isa pang  biktima  na  si  Ernesto Flores na nalunod  makaraang  sumadsad ang kanyang sinasakyan na  RORO  vessel  sa  Romblon, kanina.

Ayon sa Office of Civil Defense, patungo sana sa Odiongan, Romblon ang MV Shuttle mula sa Dumaguit, Aklan.

Nasa Looc Bay na o malapit sa Tablas Island ang naturang sasakyan pandagat nang hampasin  ng  malalaking  alon.

Nakaligtas  naman  ang  54  pang pasahero ng  RORO  kabilang  ang  mga crew nito.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000