You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
CGMA, Mainit na Sinalubong ng mga Taga-Suporta sa Pagbabalik sa Pampanga
News - Major News
Friday, 27 July 2012 07:19

Mainit na sinalubong si Congresswoman Gloria Arroyo ng kanyang mga constituents sa Porac at Lubao, sa Pampanga.

Itinuloy ni Ginang Arroyo ang pagdalaw sa ikalawang distrito ng lalawigan matapos ang isang oras na therapy session sa Veterans Memorial Medical Center, sa Quezon City.

Pasado alas-12 kaninang tanghali nang lumabas sa physical therapy ward ng VMMC si Ginang Arroyo habang sakay ng wheel chair.

Nakangiti ang dating pangulo nang kumustahin ito ng mga mamamahayag sa therapy nito at sumagot din ito ng “very good.”

Alas onse nang dumating si CGMA sa VMMC mula sa pagbisita sa puntod ng kanyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal, sa Libingan ng mga Bayani, sa Taguig City.

Mula sa alternative medical facility, sa Tagaytay ay didiretso sana ang kongresista sa pampanga subalit nakaramdam ito ng pagkirot ng binti kaya dumaan muna ito sa VMMC.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000