| Judicial and Bar Council, Nasa Huling Araw na ng Panel Interview sa mga Chief Justice Nominee |
| News - Major News |
| Friday, 27 July 2012 06:22 |
|
Huling araw na ng panel interview ng Judicial and Bar Council para sa mga nominado sa pagiging Chief Justice. Kapuna-puna na mas kaunti na ang mga nanonood kumpara sa nakalipas na tatlong araw, sa loob ng division hearing room at maging sa lobby ng Korte Suprema kung saan naglagay ng projector at speaker.
9:05 AM nang nagsimulang sumalang si Securities and Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa. Sa pagsisimula ng pagtatanong kay Herbosa, sinabi nito na kung mahihirang na Chief Justice, ipaprayoridad nitong magkaroon ng access sa mga korte ang lahat; walang delay sa paggawad ng hustisya at magkaroon ng patas at mabuting pagtrato sa mga kaso. Nais din nitong magkaroon ng special courts para sa special cases habang ang filing fees anya ay dapat ibaba depende sa kaso. Isusulong din nito na magsagawa ng pagsasanay sa mga hukom ng iba pang judge na may kasanayan na sa paghawak ng iba't ibang kaso. Dapat din anyang maging computer literate ang lahat ng mga hukom dahil ang ilan sa mga delay sa mga kaso ay bunsod na rin ng hindi modernong teknolohiya.
|





