| Panawagan ni PNoy Kaugnay sa West Phil Sea Dispute, Balewala sa China |
| News - Major News |
| Friday, 27 July 2012 05:45 |
|
Walang epekto sa China ang panawagan ni Pangulong Noynoy Aquino na irespeto ang soberanya ng Pilipinas sa Scarborough o Panatag Shoal, sa West Philippine Sea. Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei na may mas magagawa pa ang Pilipinas para maibsan ang tensyon ng dalawang bansa hinggil sa pinag-aagawang teritoryo.
Naniniwala si Hong na hindi maayos ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang territorial dispute. Ito, aniya, ay dahil walang ligal na basehan ang UNCLOS para malaman territorial sovereinty sa Huangyan Island at hindi nito mababago ang katotohanan na pag-aari ito ng China. Sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino noong Lunes, nanindigan ito na hindi nito isusuko ang pag-angkin ng Pilipinas sa Panatag Shoal na tinatawag naman ng Tsina na Huangyan Island. |







