You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Unang Kaso ng Enterovirus 71 sa Bansa, Kinumpirma ng DOH
News - Major News
Friday, 20 July 2012 07:46

Kinumpira ng Department of Health ang unang kaso sa Pilipinas ng nakamamatay na Enterovirus 71 strain na pumatay ng mahigit 50 bata sa Cambodia.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na isang magdadalawang taong gulang na bata ang tinamaan ng EV-71.

Aniya, nilagnat ang pasyente at nagkaroon ng rashes sa kamay at bibig.

Nilinaw naman ng kahilim na gumaling agad ang paslit at wala ring nahawa sa mga kaanak nito.

Pinawi rin ni Ona ang pangamba ng publiko sa nakamamatay na sakit sa pagsasabing hindi naman nakalabas ng bansa ang bata kaya hindi maaring sabihin na nahawa ito sa sakit na galing sa Cambodia.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000