You are here :  
Today is : Saturday, 18 May 2013
PNP, Tiniyak na Walang Signal Jamming sa SONA ni PNoy
News - Major News
Friday, 20 July 2012 04:39

Walang mangyayaring jamming ng mobile phone signals, sa Batasan Complex, sa Quezon City sa State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino, sa Lunes.

Pagtiyak ito ni PNP Spokesman, Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., kasabay ng pagsasabing hindi man lamang ito natalakay ng Metro Manila police sa kanilang paghahanda para sa ikatlong SONA ni Pangulong Aquino.

Sinabi rin ni Cerbo na walang intelligence information tungkol sa anumang pagbabanta sa punong ehekutibo  o  sa publiko, sa SONA.

Noong Enero ay hiniling ng pamahalaan sa mga telecommunications company na i-jam ang mga signal sa Quiapo, Maynila upang pigilin ang anumang terror attack sa pista ng Itim na Nazareno.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000