You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
DOJ, Ibinasura ng Petisyon ni Gatdula na Itigil ang Imbestigasyon sa Kanyang Kasong Kidnapping
News - Major News
Thursday, 19 July 2012 03:53

 

Ibinasura ng DOJ ang petisyon ni dating NBI Director Magtanggol Gatdula na humihiling na itigil ang imbestigasyon sa kasong kidnapping at extortion na isinampa laban sa kanya ng Haponesang si Noriyo Ohara.

Sa Omnibus Order, ibinasura ng investigating panel na binubuo nina Asst. State Prosecutor Juan Pedro Navera, Irwin Maraya at Hazel Decena-Valdez ang petisyon ni Gatdula at ng iba pang respondent.

Ito ay dahil ang preliminary injunction na inisyu ng Manila RTC Branch 8 ay tumutukoy lamang sa fact finding na ginawa ng DOJ na hiwalay na isyu sa pormal na reklamong inihain ni Ohara na siyang sentro ng kanilang imbestigasyon.

Kasabay nito, ibinasura rin ng mga prosecutor ang siyam na iba pang mosyon ng mga respondent kabilang na ang mosyon na humihingi ng agarang pagbasura sa reklamo at pagpapalipat sa lugar ng preliminary investigation.

Ipinaliwanag ng panel na hindi maaring basta na lamang ibasura ng DOJ ang reklamo sa sarili nilang inisyatibo lalo pa't nakapaghain na ng counter affidavit ang isa sa mga respondent na si Virgelito "Labsky" Gutierrez.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000