You are here :  
Today is : Saturday, 18 May 2013
Anomalya sa Civil Aviation Authority, Nasilip ng COA
News - Major News
Thursday, 19 July 2012 03:50

Nasilip ng Commission on Audit ang tinawag nitong “highly anomalous payments” na ginawa ng Civil Aviation Authority of The Philippines  o CAAP  sa isang U.S. aviation consultant.

Ito umano ay para maibalik sa category 1 ang status ng Pilipinas sa US Federal Aviation Authority   o  US FAA  noong nakaraang taon.

Sa report ng COA, kinuwestiyon ng mga auditor ang ibinayad ng CAAP na 116,500 dollars  o  mahigit 5 million pesos sa Tim Neel & Associates noong March 18, 2011 na inisyal na tinukoy bilang advance payment ng CAAP sa US consultant.

Noong nakaraang taon ay sinabi ng CAAP na wala silang binayang consultancy services ng TNA dahil ang Philippine Airlines ang nag-boluntaryong magbayad ng services sa foreign consultant.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000