You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
5, Patay sa Sunog sa Gensan
News - Major News
Thursday, 19 July 2012 03:48

Apat na miyembro ng isang pamilya at kanilang kasambahay ang patay nang matupok ang kanilang bahay, sa General Santos City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Leonora Barasi, mga anak nitong sina Aldrin, 16; July, 11 at Andrew, 8;  at kasambahay na si Judith.

Dakong alas dos, Huwebes ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima, sa Gensanville Subdivision.

Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng sunog na hinihinalang nagsimula sa kusina.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000