| China, Bumuo na ng Pamahalaan sa Sansha City sa West Philippine Sea |
| News - Major News |
| Wednesday, 18 July 2012 09:01 |
|
Bumuo na ng pamahalaan ang Beijing, China sa pinag-aagawang teritoriyo sa West Philippine Sea kasunod ng pagtatayo ng tinatawag nilang Sansha City sa naturang lugar. Batay ito sa ginanap na pulong ng standing committee of the Hainan Provincial People’s Congress, isang organizing committee na binuo para sa pagpapatawag ng municipal congress.
Ang nasabing legislative body ay kinabibilangan ng 60 delegado na “directly elected” at 15 members naman mula sa standing committee. Itinaas ng China ang administrative status ng Spratly, Paracel at Macclesfield Bank Islands upang lalong higpitan ang pag-aangkin ng mga ito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa naturang rehiyon. Ang pagbuo ng Sansha City ay aprubado na ng Chinese State Council na siyang namamahala sa nasabing mga isla. Saklaw din ng sansha city ang pinag-aagawang Scarborough Shoal. |







