You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Dating Pang. Arroyo, Kinasuhan ng Plunder Kaugnay ng Paggamit sa PCSO Intel Funds
News - Major News
Tuesday, 17 July 2012 04:59

Kinasuhan ng plunder ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo dahil sa umano’y iligal na paggamit sa intelligence funds ng PCSO noong 2010 elections.

Kabilang sa mga respondent sina dating PCSO General Manager Rosario Uriarte; assistant general manager for finance Benigno Aguas at mga  dating PCSO board members na sina Sergio Valencia, Manuel Morato, Raymon Roquero at Maria Fatima Valdez.

Kasama rin sa reklamo si dating Commission on Audit  Chairman Reynaldo Villar at COA region 5 head Nilda Plaras.

Sinabi ni PCSO Director Aleta Tolentino na idinawit sa kaso ang mga nabanggit na COA officials dahil sa “conspiracy and connivance.”

Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Commmittee, nabunyag na inaprubahan ni Ginang Arroyo ang  request ni Uriarte para sa paggamit ng intel funds simula noong 2008 hanggang 2010.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000