You are here :  
Today is : Wednesday, 19 June 2013
Singil sa Kuryente at Presyo ng Produktong Petrolyo, Tataas
News - Major News
Monday, 16 July 2012 05:15

Kinumpirma ng Department of Energy na tataas ang singil sa kuryente, sa Agosto.

Sinabi ni DOE Undersecretary Ina Asirit na bunsod ito ng maintenance shutdown ng Malampaya natural gas field na nagsu-supply sa tatlong pangunahing power plants sa Luzon.

Aniya, patuloy na tatakbo ang Sta. Rita, San Lorenzo at Ilijan power plants subalit mas mahal na liquid oil-based fuel ang kanilang gagamitin.

Sa pagtaya ng energy official, hindi bababa sa piso kada kilowatt hour ang idaragdag sa kasalukuyang singil sa kuryente.

Asahan din ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ngayong linggo.

Base sa galaw ng kalakalan noong nakaraang Lunes hanggang ,iyerkules, inaasahang tataas ng 60 centavos ang kada litro ng regular gasoline habang trenta sentimos sa diesel.

Ito na ang ikalawang bugso ng oil price hike matapos ang sunod-sunod na rollback sa nakalipas na labintatlong linggo.

Ang nakaambang pagtaas na naman sa presyo ng langis ay dulot umano ng pagtaas sa presyo ng imported na krudo na dala na rin ng tumitinding tensyon sa Iran at Norway.

 

Live Video Streaming

typhoon 2000