You are here :
Today is : Saturday, 18 May 2013
--- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi --- Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ ---
| Bilang ng Kaso ng Dengue sa Bansa, Tumaas pa |
| News - Major News |
| Friday, 13 July 2012 05:22 |
|
Tumaas pa ang bilang ng mga tinamaan ng dengue, base sa pinakahuling tala ng Department of Health. Mula Enero 1 hanggang Hulyo 7, lumobo na sa 46,651 ang kaso ng dengue, kabilang ang 294 na nasawi.
Mataas ito ng 13.85 percent kumpara sa 40,975 dengue cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Pinakamarami ang nagkasakit sa National Capital Region na nasa 10,775; sumunod ang Central Luzon, 7,024; CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na may 6,219. Bunsod nito, patuloy ang panawagan ng DOH na panatilihing malinis ang kalapilgiran upang mapuksa ang mga lamok na nagtataglay ng dengue virus at magpatingin agad sa doktor kung pabalik-balik ang lagnat.
|







