| DOJ, Sisimulan na ang Imbestigasyon sa Kasong Frustrated Murder Laban sa ex-NBI Director |
| News - Major News |
| Friday, 13 July 2012 05:19 |
|
Sisimulan na ng binuong panel ng Department of Justice ang pagdinig sa kasong frustrated murder laban kay dating NBI Director Magtanggol Gatdula at labindalawang iba pa. Magsisimula ang preliminary investigation sa Hulyo 24, sa ganap na alas- dos ng hapon Itinalaga ni Prosecutor General Claro Arellano sina Asst. State Prosecutors Gino Paolo Santiago, Rassendell Rex Gingoyon at Prosecution Attorney Gerard Gaerlan bilang mga myembro ng lupon. Matatandaang kinasuhan sa piskalya si Gatdula kasama ang negosyanteng si Tyrone Ong na itinuturong mastermind sa krimen; Perfecto Villanueva, retired police na close-in ni Ong; isang nagngangalang Alfredo, Teodoro Avendano, Gery Farillon, Jose Maglalang, Gino Eustaquio, Aljun at Alvin Monteclaros. Kabilang naman sa mga complainant sa kaso sina NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda at kapatid na si PO3 Nilo Esmeralda.
|







