You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Extension Sa Panunungkulan Ni Afp Chief Of Staff Victor Ibrado, Lumilinaw!
News - Major News
Friday, 05 March 2010 09:28

Nagbigay ng clue ang Malakanyang na posibleng palawigin ang panunungkulan ni AFP Chief  of Staff  Victor Ibrado na magreretiro  sa  Miyerkules.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas na bagaman tanging si Pangulong Gloria Arroyo ang nakababatid ay may ilang senyales nang makikita.
Kabilang aniya rito ang pagkansela sa testimonial parade para kay Ibrado na itinakda ngayong araw na ito.

Ikino-konsidera rin  ng pangulo ang mungkahi ni Opposition Senator Rodolfo Biazon at ng CBCP  na i-extend si Ibrado.

Nakipag-pulong din kahapon si Pangulong Arroyo kina Ibrado, Defense Sec. Norberto Gonzales at iba pang matataas na opisyal ng AFP bagaman wala itong ideya kung ano ang napag-usapan.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000