You are here :
Today is : Saturday, 25 May 2013
--- Malakanyang Sumakay din sa isyu ng negatibong pagsasalarawan ng Pilipinas ng isang manunulat --- Pilipinas papasaklolo sa World Opinion para sa West Philippine Sea dispute --- Mga Paring pakialamero binanatan ni Senador Santiago --- PAGCOR hindi exempted sa BIR collections --- Comelec Chairman Inamin ang problema sa PCOS --- Bomba sumabog sa Pagadian City --- Antipolo City Library Nasunog, Comelec Office nadamay --- PNP bibili ng multi-million equipment, mga bidders wanted --- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin ---
| Manny Pacquaio, ika-16 sa mga Celebrity na Pinakamalaki ang Kinita noong 2011 |
| News - Major News |
| Wednesday, 11 July 2012 05:26 |
|
Panlabing-anim si Filipino boxing icon Manny Pacquiao sa pinakamayamng celebrity pagdating sa kinita noong 2011. Malaking bahagi nito ang kanyang blockbuster fights kina Sugar Shane Mosley at Juan Manuel Marquez, kasama na ang ilang international endorsements.
Kumita ang fighting congressman ng 67 million dollars sa nakalipas na labindalawang buwan. Naungusan nito sina US business mogul Donald Trump na kumita ng 63 million dollars; American Idol Host Ryan Seacrest, 59 million; Britney Spears, 58 million at Justin Bieber, 55 million. Gayundin, ang ilang global icon athletes, gaya nina Tiger Woods na may 58 million at Lebron James ng Miami Heat na kumita ng 53 million dollars. |







