You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Pilipinas, Naghain ng Diplomatic Protest sa Pagtatayo ng China ng Sansha City sa West Philippine Sea
News - Major News
Friday, 06 July 2012 06:55

Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas kasunod ng pagtatayo ng China ng bagong prefecture na tinawag na “Sansha” na mangangasiwa sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea  o  West Philippine Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na ang pagtatayo ng Sansha City ay paglabag sa claim ng Pilipinas sa Scarborough Shoal at iba pang bahagi ng Spratly Islands.

Aniya, hinhintay pa nila ang sagot ng Chinese government sa ipinadala nilang “note verbale” kay Chinese Ambassador Ma Keqing para iprotesta ang pagtatayo ng Sansha na ang ibig sabihin ay “City of Three Sands”.

Una nang inaprubahan ng state council  o  gabinete sa China ang pagtatayo ng prefectural-level city of Sansha na mangangasiwa sa Nansha o Spratlys; Xisha o Paracels  at Zhongsha o  Macclesfield Bank Islands.

 

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000