| WHO, Nagbabala sa Pilipinas at Karatig Bansa sa Nakamamatay na Respiratory Disease sa Cambodia |
| News - Major News |
| Friday, 06 July 2012 06:53 |
|
Binalaan ng World Health Organization ang Pilipinas at mga kalapit na bansa laban sa hindi pa matukoy na respiratory disease na pumatay na ng 61 kabataan sa Cambodia. Ayon sa WHO, ang sakit ay may “neurological symptoms” at una itong inalerto ng Cambodia Ministry of Health sa pamamagitan ng Khanta Bopha Children’s Hospital, sa Phnom Penh.
Sinabi ni Dr. Nima Asgari, team leader ng who country office sa Cambodia, na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon at nagbibigay sila ng technical assistance sa Ministry of Health sa field epidemiology, clinical management at active case finding. Ang hindi pa matukoy na sakit ay nagsisimula sa mataas na lagnat na susundan ng respiratory and/or neurological symptoms na may mabilis na pagbagsak ng respiratory functions.
|







