You are here :
Today is : Wednesday, 22 May 2013
--- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon ---
| 2 Lasing, Patay nang Matulog sa Riles ng Tren ng PNR sa Camarines Sur |
| News - Major News |
| Friday, 06 July 2012 06:45 |
|
Dalawang lalaki ang patay nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways sa bayan ng Ragay, Camarines Sur, Byernes. Kinilala ang mga biktima na sina Jeffrey Carpo, 22 at Benny Tatodo, 23. Ayon kay Chief Insp. Henry Canuel, hepe ng Ragay Municipal Police Station, dakong 3:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente, sa barangay Apale. Nakatulog anya sa riles sina Carpo at Tatodo bunsod ng kalasingan base sa mga natagpuang suka malapit sa nagkakalasug-lasog na katawan ng mga biktima. Patungo sana sa Ligao City, Albay ang tren ng PNR nang maganap ang aksidente.
|







