You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
KBL Presidential Bet Vetellano Acosta, Diniskwalipika ng Comelec!
News - Major News
Thursday, 04 March 2010 10:09

Diniskwalipika ng Commission on Elections ang kandidatura ng presidential bet ng Kilusang Bagong Lipunan o KBL.

Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, unanimous at final na ang desisyon batay sa mga dokumento at mga presentasyon sa pagdinig ng en banc.

Una na ring nadiskwalipika si Acosta sa kanyang pagtakbo dahil nabigo umano itong patunayang kaya niyang maglunsad ng malawakang kampanya ngunit makaraang maghain ng motion for reconsideration at nominasyon ng KBL, inaprubahan ng Comelec ang kanyang kandidatura.

Gayunman, inihain ng Liberal Party ang disqualification case laban kay Acosta dahil nabigo ang KBL party na habulin ang deadline ng pagpapasa ng certificate of nomination noong December 1, 2009.

Ikinatwiran pa ng Liberal Party na tumatakbo lamang si Acosta upang mauna ang pangalan nito kaysa sa standard bearer ng LP na si Senador Benignoy "Noynoy" Aquino III.

Nabatid naman sa records ng Comelec na ni hindi nakarehistrong botante si Acosta kaya't hindi ito pwedeng kumandidato.

Hindi pa rin sila nagtatagpo man lamang ng running mate na si Jay Sonza.

 

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000