You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
Barako Bull Player Don Allado, Pinagmulta at Sinuspinde ng PBA sa Paninira sa Liga
News - Major News
Thursday, 05 July 2012 08:01

Pinatawan na ng parusa ng Philippine Basketball Association si Barako Bull Energy player Don Allado.

Kaugnay ito sa pagsisiwalat ni Allado sa micro-blogging site na Twitter na mayroong game-fixing sa liga.

Pinagmumulta ng pamunuan ng PBA si Allado ng Php 500,000 at one-conference ban without pay.

Ito na ang pinakamabigat na parusa at pinakamalaking halaga na ipinataw sa isang basketbolista sa kasaysayan ng PBA.

Dahil dito, hindi makapaglalaro sa buong season ng liga si Allado sa susunod na taon.

Isiniwalat ng sentro ng barako ang akusasyon laban sa liga makaraang matalo ang kanilang team sa Powerade Tigers sa score na 99-95 sa 2012 pba Governor’s Cup Playoffs, noong Martes ng gabi.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000