You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
China, Pinayuhan ni PNoy na Maging Makatotohanan sa Isyu ng Panatag Shoal
News - Major News
Thursday, 05 July 2012 07:59

Pinayuhan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Chinese government na balasehin ang kanilang mga pahayag sa totoong nangyayari sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.

Umalma rin ang punong ehekutibo sa akusasyon ng Foreign Ministry ng China na pinalalala ng Pilipinas ang tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Ginoong Aquino na hindi malinaw sa kanya kung alin sa mga statement ng bansa ang naging “provocative” o mapaghamon.

Aniya, kung pinull-out na rin ng China ang kanilang mga barko sa Panatag gaya ng ginawa ng Pilipinas tatlong linggo na ang nakalipas ay maayos na siguro ang sitwasyon.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang ipinatawag nitong full cabinet meeting para talakayin ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000