You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Nagbenta ng Second-Hand Helicopter sa PNP, Kinasuhan ng Tax Evasion ng BIR
News - Major News
Thursday, 05 July 2012 06:19

Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang Manila Aerospace Products Trading Corporation o MAPTRA na nasangkot sa pagbebenta ng second hand  na helicopter sa PNP.

Kasama sa kinasuhan ng BIR ang presidente ng MAPTRA na si Hilario de Vera dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 2009 hanggang 2010; hindi pagregister ng transaksyon sa BIR; hindi pagbibigay ng resibo; hindi pagpa-file ng kumpanya ng Income Tax Return at iba pang paglabag na may kaugnayan sa Tax Code of the Philippines.

Aabot sa 68.51 million pesos ang buwis na hinahabol ng gobyerno sa MAPTRA.

Samantala, kinasuhan din ng BIR ng hiwalay na kasong tax evasion si de Vera dahil sa hindi rin pagbabayad ng tamang buwis noong 2009.

Aabot naman sa 9.83 million ang halaga ng buwis na hinahabol ng BIR kay de Vera.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000