You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Chinese Patrol Team, Ipinadala sa Spratly Islands
News - Major News
Wednesday, 04 July 2012 05:45

Isang Chinese patrol team ang nagtungo sa sentro ng pinag-aagawang Nansha o Spratly Islands para magsagawa ng masusing obserbasyon, sa South China Sea o  West Philippine Sea.

Ayon sa Chinese government, ipinadala nila ang team na kinabibilangan ng apat na marine surveillance ships matapos maispatan ng radar ang “foreign” fishing vessel sa area.

Agad ding naglabas ng statement ang Chinese patrol staff sa wikang Chinese, English at Vietnamese upang igiit ang kanilang soberanya sa Xisha Islands at Nansha Islands.

Hindi naman tinukoy ng Tsina ang nationality ng mga tripulante ng namataan nilang foreign fishing vessel.

Bukod sa Pilipinas at China, kabilang din sa umaangkin sa Spratly Islands ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.

Hindi nababahala ang AFP sa hakbang ng China na palakasin ang presensya nito sa  West Philippine Sea.

Sinabi ni AFP Chief of Staff, General Jessie Dellosa na walang problema sa hakbang ng China na maglunsad ng combat-ready patrols basta mananatili ito sa freedom of navigation area.

Una nang inihayag ni Chinese Defense Ministry Spokesman Geng Tansheng na ang ginagawa nilang pagpa-patrolya ay upang depensahan ang kanilang soberanya sa pinag-aagawang teritoryo.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000