You are here :  
Today is : Saturday, 18 May 2013
Pilipinas, Hindi na Magpapadala ng OFW sa 15 Bansa
News - Major News
Wednesday, 04 July 2012 05:39

Hindi na magdedeploy  ang Pilipinas ng mga manggagawa sa labinlimang bansa, simula sa Hulyo 15.

Ikinukunsidera ng Philippine Overseas Employment Administration na hindi ligtas para sa mga OFW ang mga bansang Afghanistan; Chad; Cuba; North Korea; Eritrea; Haiti; Lebanon; Mali; Mauritania; Nepal; Niger; Palestine; Somalia; Uzbekistan at Zimbabwe.

Ayon kay POEA Administrator Hans Cacdac, inaprubahan na ng board ng ahensya ang resolusyon na nagbabawal sa pagpapadala ng mga OFW sa mga naturang lugar.

Napatunayan din anya na hindi tumalima ang 15 bansa  sa requirements ng Amended Migrant Workers Act.

Samantala, epektibo pa rin ang total deployment ban sa Iraq habang nagsasagawa ng review ang pamahalaan.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000