You are here :
Today is : Wednesday, 19 June 2013
--- Peace talks sa MILF walang problema-Malakanyang --- MARINA maghihigpit sa polisiya sa mga barko --- pamilyang pinoy wala nang naitatabing Savings-BSP --- DOH nagbabala sa Publiko sa paglaganap ng Dengue sa panaho ng Tag-ulan --- palasyo pumalag sa isyu ng pagbaha sa Metro Manila --- Spurs nakabawi laban sa Heat, 3-2 --- Oil price hike inaasahan ngayong linggo --- Comelec tiniyak ang kahandaan sa Barangay election, Steering Committee binuo --- PCG nag-shift na sa Search and Retrieval Operations-Malacanang --- Media sinisi sa away ng dalwang mahistrado sa korte Suprema ---
| Fishing Ban sa Panatag Shoal, Aalisin na ng Pilipinas |
| News - Major News |
| Thursday, 28 June 2012 05:11 |
|
Aalisin na ng Pilipinas ang fishing ban na ipinatupad noong Mayo sa Scarborough o Panatag Shoal, sa Zambales, sa Hulyo 15. Nilinaw naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources National Director Asis Perez na walang kinalaman ang fishing ban sa territorial dispute sa China hinggil sa Panatag.
Unang nag-anunsyo ng fishing ban sa pinag-aagawang teritoryo ang Tsina na sinundan naman ng Pilipinas, noong nakaraang buwan. Inaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang ban sa Panatag upang protektahan ang marine resources at mga mangingisdang Pinoy. Ipinaliwanag ng BFAR na simula noong 1999 ay nagpapatupad sila ng seasonal fishing ban na karaniwan ay mula May 16 hanggang August 1.
|





