| Ph Coast Guard, Kinumpirmang Naka-Rehistro sa Hongkong |
| News - Major News |
| Monday, 25 June 2012 08:47 |
|
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na naka-rehistro sa Hongkong ang barko na nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Filipino na nagresulta sa paglubog nito sa Bolinao, Pangasinan. Nasawi sa banggaan ang isa sa walong mangingisda na kinilalang si Christopher Carbonell, 32 habang apat nitong kasamahan ang nawawala.
Gayunman, nilinaw ni PCG Commandant, Vice Admiral Edmund Tan na hindi dapat iugnay ang insidente standoff sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough o Panatag Shoal. Ito, anya, ay dahil naganap ang insidente malayo sa pinag-aagawang teritoryo. Base sa imbestigasyon ng Coast Guard, nanganganib lumubog ang FV Axl John bunsod ng masamang panahon kaya’t pansamantalang itinali ito ng mga mangingisda sa payaw o artificial fish sanctuary. Ang Hongkong ay Administrive Region ng China subalit may sariling pamahalaan na hiwalay sa Central Chinese Government. |







