| Batang Fil-Chinese na Dinukot sa Binan, Laguna; Nailigtas sa Antipolo! |
| News - Major News |
| Monday, 25 June 2012 05:48 |
|
Ligtas na ang batang Filipino-Chinese na dinukot ng armadong kalalakihan sa Biñan, Laguna, noong Biyernes. Ito’y matapos salakayin ng mga pulis ang safe house ng mga kidnapper sa Antipolo City, Rizal, kaninang umaga.
Ayon kay Antipolo City Police Investigation Head, SPO3 Medardo Sumait dakong ala-6 nang maganap ang insidente sa Sitio Oreta, Barangay San Isidro. Hindi pa mabatid kung may nasugatan sa panig ng mga pulis at kidnapper. Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang mga hindi pa nakikilalang lalaki na dumukot sa anim na taong gulang na biktima, anak ng isang factory owner sa Santo Tomas, Batangas. Dakong 8:30 AM noong Biyernes nang kidnapin ng mga salarin ang bata habang nasa school bus kasama ang 14 na iba pa. Papasok na sana sa O.B. Montessory, sa Las Piñas City ang paslit nang dukutin ng apat na lalaki. |







