You are here :  
Today is : Thursday, 20 June 2013
Dapat Magdahan-dahan Bago i-Ban ang Foreign Journalist - DOJ
News - Major News
Thursday, 21 June 2012 06:10

Dapat munang timbangin ang lahat ng bagay bago magdesisyon ang gobyerno na i-ban sa pagpasok muli sa bansa ang Jordanian Journalist na si Baker Abdullah Atyani.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kailangan munang may matibay na basehan bago ideklarang persona non grata ang dayuhang mamamahayag.

Iginiit ng kalihim na kailangang maging maingat ang gobyerno sa kanilang aksyon at alamin ang anumang magiging epekto nito partikular sa international media.

Hindi naman matiyak ni de Lima kung may posibleng paglabag ang Jordanian journalist partikular sa Human Security Act.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang koordinasyon sa law enforcement agency ng sinumang nais pumasok sa mga delikadong lugar sa Mindanao ay regulasyon lamang.

 

 

 

Live Video Streaming

typhoon 2000