| Philippine Coast Guard, Iimbestigahan ang Sea Mishap sa Palawan |
| News - Major News |
| Friday, 15 June 2012 06:04 |
|
Bubuo na ang Philippine Coast Guard ng Board of Marine Inquiry upang imbestigahan ang paglubog ng passanger-cargo vessel na MV Josielle-2 sa el Nido, Palawan. Tiniyak ni PCG Commandant, Vice Admiral Edmund Tan na magsisimula ang kanilang imbestigasyon sa sandaling matapos search-and-rescue operations.
Pitong bangkay na ang narekober habang 56 ang nailigtas mula sa lumubog na lantsa. Magiging sentro ng imbestigasyon ang marine protest ng kapitan ng sasakyang pandagat na si Jose Ramon de Castro kabilang ang mga testimonya ng mga crewmember at survivor. Sa oras na matapos ang imbestigasyon ay i-rerekomenda ng BMI kay Transporation Secretary Mar Roxas ang posibleng administrative sanctions at kaso laban sa mapatutunayang may pananagutan sa trahedya. |





