| 21 Opisyal at Empleyado ng Customs, Kinasuhan ng NBI sa Ombudsman |
| News - Major News |
| Wednesday, 13 June 2012 04:08 |
|
Umaasa ang National Bureau of Investigation na aaksyunan ng tanggapan ng Ombudsman ang kanilang hiling na imbestigahan ang 21 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs. Ito ay dahil sa posibleng mga paglabag gaya ng katiwalian at mga panuntunang administratibo na humantong sa pagkawala ng 1.4 milyong pisong kita ng gobyerno mula sa buwis.
Ayon kay NBI-NCR supervising agent Madrino de Jesus, ilan sa mga ipinasasalang sa preliminary investigation ay sina Filomeno Vicencio Jr., dating director ng Criminal Intelligence and Investigation Section at Concurrent OIC, Intelligence Group ng BOC; Fernandino Tuazon, dating chief ng Intelligence Division; Atty. Juan Tan, dating district collector ng port of Batangas; Atty. Leonardo Peralta, acting chief ng Assessment Division at Felix Embalsado, Ports Operations Division Chief. Bukod sa graft violation, inaakusahan din ng nbi ang mga suspek ng falsification of public document, false testimony at grave misconduct. Nag-ugat ang kaso sa pagkaka-release ng 20 units ng 20-footer container van na naka-consign sa zoom cargo base forwarders sa Intramuros, Maynila na nauna nang inalerto dahil sa undervaluation, misclassification at misdeclation in entry na paglabag sa Tariff and Customs Code. |







