You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Ligalidad ng 1.8 Billion Peso Deal sa Pagbili ng PCOS Machines, Dedesisyunan na ng Korte Suprema
News - Major News
Wednesday, 13 June 2012 04:07

Nakatakdang magdesisyon ngayong araw na ito ang Korte Suprema sa ligalidad ng 1.8 billion peso deal para sa pagbili ng mga PCOS machine na gagamitin sa 2013 election.

Ayon kay Acting Supreme Court Spokesperson, Ma. Victoria Gleoresty Guerra, magsasagawa ng special session ang mga mahistrado ngayong araw na ito upang i-consolidate ang mga petisyon hinggil sa usapin.

Iginigiit ng mga grupo na pigilan ang pagbili ng 82,000 na PCOS machines dahil sa mga kapalpakan noong 2010 elections.

Sinabi ng mga petitioner na hindi makatwirang bilhin pa ang mga makina dahil kwestyonable ang kredibilidad nito.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000