| Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Pinakakasuhan ng DOJ sa Pagmumura sa Korte |
| News - Major News |
| Friday, 08 June 2012 08:03 |
|
Ipinag-utos na ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos. Kasunod ito ng ginawa umanong pagmumura at pagbabanta ng alkalde sa dalawang DOJ prosecutors, sa hearing, kahapon sa Pasay City RTC.
Sinabi ni de Lima na batay sa natanggap niyang report mula sa mga DOJ Prosecutor na humahawak sa electoral sabotage case laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, bagaman mahina ay malinaw naman ang pagmumura ng alkalde kina Orlando Mariano at Mark Estepa. Bukod aniya rito ay sinabihan pa ni Mayor Abalos ang dalawang DOJ prosecutors na papatayin. Kabilang sa mga reklamong planong isampa ng DOJ laban sa nakababatang Abalos sa DILG ay gross misconduct at grave abuse of authority habang grave threat naman ang plano nilang isampa sa Ombudsman dahil isa itong public official. |







