You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Malakanyang, Iginiit na Dapat Nakapiit sa Regular na Kulungan si Dating Pang. GMA
News - Major News
Thursday, 07 June 2012 07:46

Iginiit ng Malakanyang na dapat nakapiit si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa bilangguan sa halip na sa ospital habang hinihintay nito ang pagdinig sa umano’y malawakang dayaan noong 2007 elections.

Kinuwestyun din ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang tunay na kondisyon ni Ginang Arroyo kaya’t kailangan nitong manatili hanggang sa ngayon sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Sinabi ni Lacierda na kung maayos na ang kalagayan ng dating pangulo ay nararapat lamang na ipiit na ito sa bilangguan.

Kanina lamang ay tinawagan ni Lacierda ang mga doktor ni Ginang Arroyo upang ipasuring muli ang kondisyon ng Pampanga congresswoman.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000