You are here :  
Today is : Wednesday, 19 June 2013
Pangilinan at Lacson, Posibleng Gawing Myembro ng Gabinete ni PNoy
News - Major News
Thursday, 07 June 2012 07:12

Inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na dalawang senador na magtatapos na ang termino sa susunod na taon ang ikinu-konsidera niyang mapabilang sa kanyang Gabinete.

Sa katauhan ito nina Senators Francis Pangilinan at Panfilo Lacson.

Tumanggi naman ang pangulo na sabihin ang naiisip nitong cabinet posts para sa dalawang graduating senators, sa pagsasabing kokonsultahin muna niya ang mga ito.

Una nang napabalita na balak italaga ni Ginoong Aquino si Lacson na dating PNP Chief bilang kalihim ng DILG habang interesado naman si Pangilinan sa Department of Agriculture.

 

Live Video Streaming

typhoon 2000