| Grading System sa K to 12 Program, Binago ng DEPED |
| News - Major News |
| Wednesday, 06 June 2012 08:04 |
|
Binago na ng DepEd ang grading system sa mga estudyante sa pagpapatupad sa K to 12 program. Sa halip na numero ang ilalagay sa report card ng mga mag-aaral ay gagawin na itong de letrang grading system base sa naging performance ng mga ito.
Ang mga nakakuha ng 90 percent pataas ay bibigyan ng markang “A” o Advance at “P” o Proficient naman ang ilalagay sa mga nakakuha ng 85 hanggang 89 percent. Bibigyan naman ng AP o Approaching Proficiency ang mga nakakuha ng 80 porsyento hanggang 84 na porsyento; “D” o developing naman para sa mga may gradong 75 hanggang 79 percent at “B” o beginning naman para sa mga nakakuha ng 74 percent pababa. Ipinaliwanag ng DepEd na sa ganitong paraan, madaling malalaman ng mga estudyante ang kanilang grado sa paraang hindi masakit sa kanilang mga mata dahil wala nang red mark na nagsasabing bagsak sila sa isang asignatura |







