You are here :  
Today is : Saturday, 18 May 2013
Dating Pangulong Arroyo, Posibleng Makalaya sa Pagkawala ng Testigo sa Electoral Sabotage Case
News - Major News
Friday, 01 June 2012 04:01

Dahil sa pagkawala ng testigo sa kasong Electoral Sabotage, posibleng makapagpiyansa at makalaya anumang araw si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo.

Ito’y sa sandaling madesisyunan ang bail petition ni Ginang Arroyo sa Pasay City Regional Trial Court.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, dehado sila kung hindi napagbigyan ang paghaharap ng dagdag na testigo dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang witness na si dating Maguindanao Election Officer Russam Mabang.

Dahil dito, sinabi ni Brillantes na agad silang maghahain ng motion for extension para payagan silang makapagprisenta ng mga kinakailangang testigo.

Inamin naman ni Brillantes na nagpasaklolo na rin sila sa iba pang ahensya ng pamahalaan para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkawala ni Mabang sa kanyang safe house.

Tanging testimonya ni Mabang ang magpapatibay sa akusasyon ni dating Maguindanao Provincial Administrator Nuri Unas laban sa dating pangulo sa umano’y dayaan sa halalan noong 2007.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000