You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
JBC, Sisimulan na ang Pagpili ng Posibleng Maging Susunod na Supreme Court Chief Justice
News - Major News
Friday, 01 June 2012 03:58

Nakatakdang mag-convene sa Lunes ang Judicial and Bar Council para simulan ang proseso ng pagpili sa mga irerekomendang kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ni Supreme Court Acting Spokesperson, Atty. Gleo Guerra na nagpatawag ng pagpupulong ng JBC si Acting Chief Justice Antonio Carpio at isa nga sa tatalakayin ay ang bakanteng posisyon ng punong mahistrado.

Ang JBC ay binubuo ng chief justice na siyang umaakto bilang ex- officio chairman, kalihim ng DOJ, kinatawan ng Kamara at Senado bilang mga ex officio members, kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines, isang law professor, retired justice ng Korte Suprema at kinatawan ng pribadong sektor.

Ang JBC ang magsusumite ng rekomendasyon kay Pangulong Noynoy Aquino kung sinu-sino ang maaring mapagpilian nito bilang susunod na punong mahistrado.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000