You are here :
Today is : Saturday, 18 May 2013
--- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi --- Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ ---
| 400 Pinoy, Posibleng Mawalan ng Trabaho sa Nasunog na Mall sa Qatar! |
| News - Major News |
| Thursday, 31 May 2012 04:07 |
|
Tinatayang 400 Filipino sa Villagio Mall, sa Doha, Qatar ang nanganganib na mawalan ng trabaho. Ito’y dahil ipinasara na ang naturang establisyimento makaraang masunog noong Martes, kung saan labinsyam ang nasawi kabilang ang tatlong Filipina nursery school teacher.
Ayon kay Migrante-Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterona, karamihan sa mga OFW na nagtatrabaho sa naturang mall ay mga babaeng sales clerk. Umapela naman si Monterona sa Philippine Overseas Labor Office sa Doha na tulungan ang mga Pinoy na naapektuhan ng sunog gayundin ang mga posibleng mawalan ng trabaho. |







