You are here :
Today is : Thursday, 23 May 2013
--- Php 42M, Inilaan para sa Bangsamoro Transition Commission --- Malakanyang, Tututukan ang Pagdami ng mga Nagugutom sa Bansa --- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying ---
| PNoy, TInawag na Tinik na Nabunot sa Hudikatura si Corona |
| News - Major News |
| Thursday, 31 May 2012 04:04 |
|
“Isang tinik na nabunot sa hudikatura.” Paglalarawan ito ni Pangulong Noynoy Aquino sa matagumpay na pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona. Muli namang iginiit ng pangulo na hindi niya pinepersonal ang pinatalsik na punong mahistrado. Aniya, sariling pasya ni Corona ang nagbunsod ng impeachment trial dahil ito mismo ang pumiling hindi magdeklara ng katotohanan sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth. Tinukoy din ni Ginoong Aquino ang mga ginawa ni Corona na aniya’y balakid sa tuwid na daan na kanyang isinusulong. Kabilang dito ang pagharang sa Executive Order No. 1 o pagbuo sa Truth Commission na mag-iimbestiga sana mga umano’y katiwalian na kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Arroyo. |







