| Seguridad sa Bahay ni Ombudsman Morales, Pinaigting Dahil sa Grenade Scare |
| News - Major News |
| Thursday, 31 May 2012 04:01 |
|
Pina-igting na ng mga pulis ang seguridad sa paligid ng bahay ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sa Muntinlupa City. Ito’y makaraang matagpuan ang isang granada sa labas ng bahay ni Morales sa Camella Homes 2-A, sa barangay Putatan, kahapon.
Nasa loob pa ng canister ang pampasabog nang matagpuan ng mga otoridad, pasado alas tres ng hapon. Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Benito Estipona, intact pa ang pin ng granada na may kasama pang mga katagang “pang densa kay ccm nagmalakit.” Gayunman, hindi pa anya nila mabatid ang ibig sabihin ng naturang mensahe. Wala si Morales sa kanyang bahay nang iwan ang nabanggit na pampasabog. Iniimbestigahan na kung may kaugnayan ang insidente sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona makaraang tumestigo sa paglilitis ang Tanodbayan. |







