| 14 Mahestrado ng Korte Suprema, Isasapubliko ang Kanilang SALN |
| News - Major News |
| Thursday, 31 May 2012 03:55 |
|
Isasapubliko ng 14 na mahistrado ang buong nilalaman ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Ito ang napagkasunduan ng mga mahistrado sa ipinatawag na special en banc session ni Acting Chief Justice Antonio Carpio, kahapon.
Ayon kay Acting Supreme Court Spokesperson Gleo Guerra, batay sa napagkasunduan, ilalabas nila nang buo at hindi lamang ang summary ng kanilang SALN. Sa mga nagdaang panahon, iginigiit ng mga mahistrado ang 1989 verdict na nagbabawal sa Supreme Court sa public disclosure ng SALN copies ng justices. Magtatakda naman ng panuntunan ang Korte Suprema sa pagpapalabas ng SALN sa Hunyo 3. Una nang naglabas ng kopya ng SALN sina Carpio at Justice Maria Lourdes Sereno subalit summary lamang ang kanilang ibinigay habang si Justice Martin Villarama ang naglabas ng buong detalye ng kanyang SALN. |







