| Testimonya ni Corona, Tinawag na Palusot ni Fariñas |
| News - Major News |
| Monday, 28 May 2012 11:59 |
|
Tinawag ng prosekusyon na “alibi” o palusot lamang ang testimonya ni Chief Justice Renato Corona noong nakaraang linggo para matakasan ang conviction sa impeachment trial. Sa oral argument, kinuwestiyon ni deputy lead public prosecutor, Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas ang sinabi ni Corona na nag-invest ito sa foreign currencies simula noong 1960s. Aniya, ibig sabihin ay nasa high school pa lamang ang punong mahistrado nang magsimula itong bumili ng dolyar. Ibinasura rin ni Fariñas ang paliwanag ni Corona na kaya hindi nito idineklara ang 2.4 million dollars sa kanyang saln ay dahil “absolutely confidential” ito in nature. Binigyan-diin ng kongresista na malinaw sa batas na kahit pera sa baul o sa bangko ay kailangan ideklara sa SALN. Iginiit din ni Fariñas na halos 2 percent lamang ng kabuuang assets ni Corona ang kanyang idineklara sa SALN. |







