You are here :
Today is : Wednesday, 22 May 2013
--- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon ---
| Chief Justice Corona, Lumagda ng Waiver sa Ospital para Humarap Muli sa Impeachment Trial! |
| News - Major News |
| Friday, 25 May 2012 03:53 |
|
Lumagda na sa isa pang waiver si Chief Justice Renato Corona. Ito ay ang waiver mula sa the Medical City upang tiyaking walang pananagutan ang pagamutan sa anumang mangyayari sa punong mahistrado sa pagdalo nito sa impeachment trial, mamayang hapon.
Nakasaad sa waiver na nauunawaan ni Corona ang kanyang medical condition at ang posibleng komplikasyon sa pagharap sa trial batay sa paliwanag ng kanyang mga manggagamot. Sa kabila naman nito ay nanindigan ang punong mahistrado na lumabas sa pagamutan. Bukod sa chief justice, lumagda rin sa waiver ang asawa nitong si Cristina, mga anak na sina Francis at Carla at maging ang kanyang medical team na kinabibilangan nina Dr. Michael Villa at Cardiologist Mariann Almajar. |







